18.9.25

Ano ang Sapilitang Kontrol (Coercive Control)?

written by
Ano ang Sapilitang Kontrol (Coercive Control)?
Question:

Sinulat ni Ashton Bush – Miyembro ng YouthAdvisory Group

Malamang ay narinig mo na ito dati — maynagkukuwento kung paano ang ex nila ay mahilig mag-‘love bomb’ pagkatapos ngaway, o tinawag na ‘gaslighter’ ang isang kaibigang nakalimot lang sa isang mgaplano. Ang mga salitang ito ay naging bahagi na ng paraan natin ng pag-uusaptungkol sa mga relasyon, lalo na sa social media. Ngunit bagama’t madalas itongginagamit nang basta-basta, ang dalawang ito ay talagang seryosong anyo ng coercive control, atnararapat lamang na maunawaan sa kontekstong ito.

Ang coercivecontrol ay isang pattern ng mapanlinlang na mgaasal na ginagamit upang pangibabawan ang isang tao. Sa halip na limitado lamangsa pisikal o sekswal na karahasan, lumilitaw ito sa anyo ng emosyonal namanipulasyon, pagkabukod sa lipunan, pinansyal na pagkontrol, at digital na pagsubaybay.

Sa artikulong ito, titingnan natin nang masmabuti kung ano ang coercivecontrol, paano ito makikilala, at kung paano ka tutugon kung satingin mo ay nararanasan mo ito sa iyong buhay.

Anoang Coercive Control?

Maaaring magsimula ang coercivecontrol nang dahan-dahan at magpakita sa iba’t ibang anyo, kaya nagigingmahirap tukuyin kung kailan ito lumalagpas mula sa pagiging cute hanggang sa pagiging controlling.

Ang mga kultural naideya gaya halimbawa, ‘ang selos ay senyales na mahal ka niya at iniingatan ka’o ‘romantiko kapag gusto niyang malaman palagi kung nasaan ka’ ay maaaring magkublisa mga maagang babala. Minsan pa nga, ang taong nagsasagawa ng coercive control ay hindirin namamalayang nananakit na siya, dahil masyadong napalaganap bilangromantiko ang ganitong mga asal. Kapag hindi napigilan, maaaring mauwi ito saisang relasyong nakakulong ang isang tao, nawawalan ng kapangyarihan, at hindina mapagkatiwalaan ang sariling pakiramdam. Maaaririn itong humantong sa pisikal o sekswal na karahasan.

May walong kilalang mgababalang palatandaan ng coercivecontrol na dapatbantayan. Maaaring hindi ito lahat makikita nang sabay-sabay, at kung titingnannang paisa-isa, hindi palaging malinaw kung coercivecontrol na nga ba ito.

The8 Palatandaan ng Coercive Control

1.Love Bombing

Ang love bombing ay ang pagbibigayng sobrang atensyon, paghanga, at pagmamahal sa isang tao, karaniwan ay sasimula pa lamang ng relasyon. Layunin nito ang hikayatin ang isang tao naagad-agad mag-commit sa bagong relasyon, kahit hindi pa talaga nila lubos nakilala ang isa’t isa.

Maaaring marinig mo angmga katulad nito:

  • “Hindi ko pa naramdaman ito     sa kahit sino noon,” kahit bagong kilala mo pa lang siya.
  • Sinasabing ikaw ang     “soulmate” niya agad-agad.
  • Mabilis na pagpaplano ng     malalaking hakbang sa relasyon tulad ng pagsasama sa iisang bahay o     pagpapakasal.

Ang love bombing ay lumilikharin ng ‘huwarang pamantayan (idealised standard)’ ngrelasyon para sa taong na-love bombed, na ginagamit para kontrolin atmanipulahin ang partner sa kalaunan, sa pamamagitan ng pagpapalit-palitan ngpag-uugaling mapagmahal at ugaling mapagkontrol. Hinihikayat nito ang maling pag-asana babalik pa sa dati ang relasyon, bago pa nahalata ang mga pag-uugaling mapagkontrolat mapang-abuso.

Ano ang hindi love bombing:
Hindilahat ng taong marubdob sa simula ng relasyon ay gumagawa ng love bombing. May mga tao natalagang mabilis mahulog ang loob nang tapat at walang balak na magmanipula.Ang mahalagang pagkakaiba ay kung paano niya pinapahalagahan ang iyong mgahangganan. Habang ang isang may respetong partner ay kikilalanin ang bilis obagal ng iyong kagustuhan, ang isang lovebomber ay  maninisi,pipilitin ka, o magtatampo kapag sinubukan mong magtakda ng mga limitasyon.

2.            Sariling pagpapakilalana biktima (self-proclaimed victimhood)

Ang sariling pagpapakilala na biktimaay hindi tungkol sa tapat na pagbabahagi ng isang personal na karanasan sa iyobilang paraan ng pagiging bukas at tapat sa relasyon — na nagpapalalim atnagpapalapit pa ng relasyon. Ngunit sa ganitong uri ng coercive control, may isang tao na nagkukuwento kungpaanong siya ay naging biktima noon, habang nagpaparamdam ng bigat atinaasahang obligasyon ng kaniyang partner na suportahan siya. Sa madalingsalita, sinasabi niya kung gaano siya nasaktan noon — ngunit may pagpaparamdamna dapat siya ay alagaan, pagalingin, o huwag kailanman saktan muli.

Itinatakda rin nito angmas mataas na emosyonal na bigat sa relasyon, na kung magtatapos ito, parang tungkulinng partner ang magiging kalagayan niya. Makikita rin ang senyales na ang isangtao ay dumaranas ng self-proclaimed victimhood kung siya ay hindiaktibong humahanap ng ibang suporta, tulad ng mga kaibigan, ng kapamilya, o ngmga serbisyo  sa kalusugan ng kaisipan(Mental health). Sa halip, ang lahat ng tulong ay inaasa lamang sa partner.

Maaaring may maririnig kangganito

·      „Hindi pa ako nagtiwala sa kahit kaninobago kita nakilala.”

  • “Kapag     iniwan mo ako, hindi na ako muling magtitiwala kaninuman.”
  • “Buti     ka pa, maraming nagmamahal sa iyo… Ako, ikaw lang ang meron ako, kaya kung     iiwan mo ako, mawawalan ng saysay ang buhay ko.”

3.            Gaslighting

Ang gaslighting ay isang sinasadyang uri ng emosyonalna manipulasyon kung saan ginagawa ng isang tao na pagdudahan mo ang iyong memorya,damdamin, o katinuan. Maaaring pasinungalingan niya ang mga bagay na alam mongnangyari, baluktutin ang katotohanan, o isisi sa iyo ang mga bagay na wala kanamang kasalanan. Layunin nitong pahinain ang iyong tiwala sa sarili at mawalanka ng kumpiyansa at kakayahang magsarili.

Sa paglipas ng panahon, ang gaslighting ay maaaring magingdahilan upang mawalan ka ng tiwala sa iyong sarili, malito kung ano ang totoo,at pagdudahan ang iyong mga kutob.

Maaaring may maririnig kang ganito: :

  • “Mali ang pagkaka-alala mo.”
  • “Sobra     ka namang madrama! Hindi naman ganoon kasama ’yon.”
  • “Hindi ‘yan nangyari.     Inimbento mo lang ‘yan.”
  • “Sinabi     ko na ‘yan, babe. Mga ilang linggo na. Hindi ka lang talaga nakikinig.”

Ano ang hindi gaslighting:

Hindilahat ng pagtatalo o magkakaibang pananaw ay gaslighting. Maaaring malimutan ng mga tao ang mgadetalye o magkakaiba ng interpretasyon sa mga pangyayari nang hindi nagigingmapang-abuso. Ang gaslighting ay isang paulit-ulit at sinasadyangmanipulasyon upang pagdudahan mo ang iyong sarili, hindi lang para manalo saargumento o ipagtanggol ang isang punto.

4. Palagiangpagsubaybay / kawalan ng kakayahang magsarili

Ang palagiang pagsubaybay (constant monitoring)ay nangyayari kapag sinusubaybayan ng isang tao ang kilos o galaw ng kaniyang partner,kadalasan ay tinatago sa anyo ng malasakit o pag-aalala sa kanya. Karaniwan nangayon ang location sharingsa mga kaibigan at kapamilya, kaya’t minsan ay hindi agad nahahalata kungkailan nagiging mapanghimasok o mapagkontrol ang palagiang pagsubaybay.

Hindi isang constant monitoring kung humilingang isang tao na maisama siya sa SnapMaps o Find My Friends, ngunit maaariitong magsimula dito at lumala at humantong sa mapanghimasok at mapagkontrol napag-uugali – gaya ng pagnakaw ng iyong telepono, pagbasa ng iyong mga mensahe,at pag-access ng social media account mo nang walang pahintulot. Maaari rinitong mauwi sa pagkontrol sa pananamit mo, sa mga taong kasama mo, o sa peramo.

Madalas itong binibigyang-katwiran sa mgakatulad na pahayag:

  • “Gusto ko lang malaman na ligtas ka kapag lumalabas     ka.”
  • “Gusto ko lang     siguraduhing wala kang kausap na hindi mo dapat kausapin.”
  • “Hindi mo puwedeng isuot     ’yan. Baka mapagkamalan ka pa.”

Minsan, ginagamit ito sa anyo ng ‘pagbibiro’ o ‘guilttripping’:

  • “Haha,     tinitingnan ko lang ang litrato mo, alam mo namang kailangan kitang     bantayan!”
  • “Sige, mag-enjoy ka     kasama ng mga ‘tunay’ mong kaibigan, dahil halata namang hindi ako sapat.”

5.Pagkakahiwalay sa iba

Ang pagkahiwalay ng partner sa kanyang mgakaibigan, pamilya, at suporta sa lipunan ay karaniwang dahan-dahan at tinatakpanng paliwanag na ito ay para sa ‘proteksyon’ at ‘kapakanan’ ng biktima. Minsanay nagsisimula sa maliliit na hiling, gaya halimbawa ng pananatili sa bahay omga pasaring na nagdudulot ng pagdududa sa sariling mga kaibigan at pamilya ngbiktima.

Hindi ito ang simpleng pagplano ng romantikongdate para sa dalawa lamang, o ang hiling na panatilihing pribado ang ilang impormasyonsa inyong dalawa lamang. Ang tunay na layunin nito ay kontrolin ka.

Maaaring may maririnig kang ganito: :

  • “Dapat     mong panatilihing pribado ang mga problema natin sa relasyon.”
  • “Sige,     sumama ka sa mga taong ayaw naman talagang sumaya ka.”

Isang karaniwang taktika rin ang paglikha ng pekengkrisis. Halimbawa, paglikha ng pekeng emerhensya o pagsisimula ng away bago angnakatakdang pagkikita ng partner sa mga mahal niya sa buhay. Sa ganito aymagi-guilty siya at mararamdaman niyang mali ang kanyang pag-alis o mapipilitansiyang ikansela ang plano.

6. Pagpapababang pagkatao (Degradation)

Ang degradationay nangyayari kapag pinapahiya, binabastos, o minamaliit ng isang tao angkanyang partner. Ginagamit kadalasan ng mga abusado ang mapanlait na mga salitaupang lumikha ng isang relasyong may di-pantay na kapangyarihan, kung saanmababa ang kumpiyansa at tingin ng biktima sa sarili, naniniwalang wala siyangkarapatang makaranas ng mas mabuti, at karapat-dapat lamang sa ganitongpagtrato.

Normallang sa isang relasyon ang magbahagi ang isang tao ng personal at maseselangdetalye tungkol sa kaniyang sarili sa isang partner. Ngunit sa mgarelasyong may coercive control, ang impormasyong ito ay kadalasangginagamit laban sa kaniya — upang batikusin, maliitin, o ipahiya siya. Madalas itongginagawa upang pilitin siyang sumunod sa gusto ng isa – mula sa pagpapalit ng kasuotan,pag-iwas sa mga kaibigan, o pagsasagawa ng mga gawaing sekswal.

Ang degradationay hindi positibong kritisismo (constructivecriticism), hindi ito simpleng biruan o tapat na pagbabahagi ngmasakit na katotohanan nangwalang layuning manakit, gaya halimbawa ng pagsabi ng “Nasaktan ako sa ginawa mo.”

Maaaring may maririnig kang ganito: :

  • "Sobra kang balat-sibuyas. Kaya pala nagsasawa ang mga tao sa     iyo."  
  • “Wala     nang ibang magkakagusto sa iyo.”

O kadalasan, ito aytinatago sa anyo ng ‘biro’ upang mabawasan ang bigat ng epekto ng salita mulasa kumukontrol na partner:

  • “Wow,     may nagawa ka rin palang tama kahit minsan!”
  • “Nagbibiro lang ako,     bakit hindi ka maka-get over dito?”
       
7.             Mga  banta, pananakot, at karahasan

Ito ay isa sa mga pinaka-hayag at tiyak nasenyales ng coercive control, na ginagamit upang takutin ang isangtao, ipadama na siya ay nakakulong, at gawing mas madali siyang kontrolin sa isangrelasyon.

Maaaring makita ito sa anyo ng galit atmararahas na kilos, gaya ng pagtayo sa harap ng partner habang sumisigaw,pagtatapon ng mga bagay malapit sa kaniya, pagbabanta ng karahasan o pananakitsa mga kaibigan, kapamilya o mga alagang hayop, pagsira ng mga gamit, pamimilitna makipagtalik o gumawa ng sekswal na bagay, at pagsuntok sa pader.

Kasama rin dito ang mga pananakot sapamamagitan ng salita at pananakot sa damdamin, gaya ng:

  • “Sasaktan     ko ang sarili ko, at kasalanan mo ’yon.”
  • “Maswerte ka at     pinipigilan ko pa ang sarili ko ngayon.”
  • “Huwag mo akong piliting     gumawa ng bagay na pagsisisihan ko.”

O kahit ang pagbabanta na isiwalat sa publikoang sekswal na oryentasyon o pagkakakilanlan ng isang partner kung sila ay nasaisang LGBTQIA+ na relasyon.

Kadalasan, nagsisimula ang mga ito bilangtaktika ng pananakot upang higit pang makontrol ang partner sa isang relasyon,at madalas sinusundan ng paghingi ng paumanhin at pagbaling ng sisi:

“Patawarin mo ako kung natakot kita, mahal na mahal kita, pero ikaw angnagtulak sa akin na gawin ito.”

Ito ay malinaw na senyales ng coercive control at dapatpag-isipang mabuti ng biktima na humingi agad ng tulong.

8.            Palagiang nagbabagongmga kondisyon  na may kaakibat nagantimpala at parusa

Ang mga mapagkontrol na partner ay madalas na lumilikhang pabagu-bagong mga panuntunan at inaasahan na mahirap unawain at halosimposibleng matugunan ng isang partner. Maaaring may kinalaman ito sa kungpaano dapat gawin ang mga gawaing-bahay, anong oras dapat umuwi, o anong uri ngdamit ang dapat isuot.

Maaaring may maririnigkang ganito: :

  • “Kung     talagang mahal mo ako, alam mo na dapat kung ano ang gusto ko kahit hindi     ko sabihin.”
  • “Hindi     ko na dapat itinuturo sa iyo kung paano maglinis. Alamin mo na lang o     mag-isa ka na lang sa buhay. Ikaw ang mamili.”

Minsan, sinasabi ang mga “panuntunang” ito saparaang mas mapanlinlang at mahirap tukuyin:

  • “Nagagalit lang ako kasi mahal na mahal kita. Kung     wala akong pakialam, hindi na ako mag-aabala.”
       
Kapag nalabag ang isang ‘panuntunan’,kahit hindi sinasadya, maaaring parusahan ng kumukontrol na partner ang biktimasa pamamagitan ng silenttreatment, pag-iwas sapisikal o emosyonal na paglalambing, biglaang pagkawala ng ilang oras nangwalang paliwanag, o paggamit ng dahas.

Ngunit kapag “tama” angpagsunod ng biktima sa mga panuntunan, binibigyan siya ng sobra-sobrangatensyon, papuri, o lambing - katulad ng lovebombing. Hindi ito tapatna pagpupuri, kundi pagsang-ayon lamang batay sa pagiging masunurin sa kumukontrolna partner. Maaaring marinig ito sa ganitong mga pahayag:

  • “Ang     galing mo kapag nakikinig ka sa akin. Kaya naman sobra kitang mahal.”
  • “Ang     bait mo nitong mga araw na ito. Swerte ko at kapiling ko ang taong     marunong magmahal sa akin.”
  • “Ito     ’yung pagkatao mo na minahal ko.”

Sa huli, ang halinhinangparusa at gantimpala ay lumilikha ng dinamikong relasyon kung saan mas lalopang umaasa ang biktima sa papuri at pag-apruba ng kanyang kumukontrol na partner, na lalo lamangnaglulugmok sa kanya sa pagkakakulong sa relasyon.

Ano ang dapat mong gawin kapag may nakikita kang senyalesng coercive control?

Para sa mga kaibigan:

Kung napapansin mongmay senyales ng coercivecontrol sa relasyon ng isang kaibigan o mahal sa buhay, naturallang ang hangaring tumulong, at mahalagang gawin mo ito — pero gawin nang may pag-iingat. Maaaring mahirap itongpag-usapan, at ang taong nasa ganitong sitwasyon ay maaaring hindi pa handangmakinig, o kaya ay ipagtatanggol pa ang kaniyang partner.

Bago ka lumapit sataong pinagmamalasakitan mo, mainam na makipag-ugnayan muna sa isangkumpidensyal na support service gaya ng 1800RESPECT. Makakatulong sila sapagbibigay ng malinaw na payo kung ano ang pinakamainam na sabihin at gawin saiyong partikular na sitwasyon.

Kung pipiliin mongkausapin ang kaibigan o mahal mo sa buhay pagkatapos mong humingi ng gabay sasupport service, mainam na imbitahan siyang makipagkita nang personal at mag-isa lang;hindi kasama ang kaniyang partner o sinumang kapwa kaibigan o kapamilya.Siguraduhing sa isang ligtas na lugar kayo mag-usap, at kung maaari ay sa lugarna madaling ipaliwanag kung sakaling siya ay binabantayan, gaya ng supermarket,shopping centre, o sa waiting room ng isang medical appointment.

Sa mismong pag-uusap,gamitin ang malumanay at mapagmalasakit na pananalita, pero batay sa mgakatotohanan lamang ang sasabihin. Ituon sa mga napuna mo, hindi kung ano sapalagay mo ang nangyayari.

Maaaring sabihin mo angganito:

  • “Napansin ko na parang     mas tahimik ka nitong mga huling linggo — ayos lang ba kayo?”
  • “Gusto lang kitang kumustahin.     Komportable at suportado ka ba sa inyong relasyon?”

Kahit hindi pa siyahandang magsalita, ang pagpaparamdam na isa kang ligtas at hindi mapanghusgangtao na maaari niyang lapitan ay isang napakahalagang hakbang.

Kung ikaw ay nasa bagong relasyon:

Kung nasa bagongrelasyon ka at napapansin mong lumilitaw na ang mga paunang senyales gaya ng love bombing, pagsubaybay, o panlalait, mahalagangagad magtakda ng malinaw na hangganan at ipabatid na hindi katanggap-tanggapang ganoong pag-uugali. Makakatulong ito upang hindi maging ‘normal’ ang hindisinasadya o hindi namamalayang mapagkontrol na asal.

Maaari mong sabihin angtulad nito:

“Hindi tama na tawagin moakong baliw kapag sinasabi ko ang nararamdaman ko.”

“Alam kong nag-aalala ka,pero hindi ako komportable na ibahagi ang mga pribadong mensahe ko.”

Kunghinahamon o binabale-wala ang mga hangganang ito, pag-isipan mo kung ito batalaga ang uri ng taong gusto mong makasama sa isang relasyon, at humingi ngpayo sa iba.

Kung ikaw ay kasalukuyang kinokontrol saparaang mapamilit (coercive control):

Ang coercive control ay kadalasang nauuna o nangyayarikasabay ng iba pang anyo ng pang-aabuso sa isang relasyon.

Kung napagtanto mongikaw ay kasalukuyang nasa ilalim ng coercivecontrol, o nakaranas nanito, pinakamainam na humingi ka ng pormal na suporta. Kung hindi kakomportableng magsabi sa mga kaibigan o kapamilya, may mga helpline at mga supportservice na maaaring lapitan upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang napinakamainam para sa iyong kaligtasan.

Kung sa palagay mo ay ikaw ang nagpapakita ngmapagkontrol na pag-uugali:

Kung pinagninilayan moang sarili mong mga kilos at napapansin mong maaaring gumagamit ka ngmapagkontrol na taktika sa relasyon, hindipa huli ang lahat para magbago. Ang pagkilala sa problema ayisang makapangyarihang unang hakbang. Ang paghingi ng tulong mula sa isang tagapayo,behavior change program, o iba pang mga propesyonal ang pinakamabuting gawinupang makabuo ng mas malusog at mas magalang na mga relasyon sa hinaharap.

Kung mayroong problema sa alinman sa mga isinaling materyal na iyong ginamit ngayon, mangyaring magpadala ng iyong puna sa amin sa hello@teachusconsent.com

Answer: