Artikulo 3: Ano ang Sekswal na Pananakit at Sekswal na Panliligalig?

Read in...
“Kailan ba natinmasasabi kung ang isang bagay ay isang sekswal na pananakit (sexual assault ) osekswal na panliligalig (sexual harassment)?”
“Sexual harassment baang paghawak sa isang bahagi ng katawan na hindi sekswal pero walang pahintulotng may-katawan?”
“Sexual assault ba angpaghalik sa isang tao kahit ayaw niya?”
Maraming tao ang nagtatanong tungkol sa mgasalitang “sexual assault” at “sexualharassment”.
Naririnig nating tinatalakay ang mga salitang itosa balita, paaralan, unibersidad, at trabaho, pero minsan hindi malinaw angkahulugan ng mga ito at ang pagkakaiba ng dalawang ito sa isa’t isa. Bagamanmagkaugnay, may mga mahalagang pagkakaiba ang mga ito, lalo na kapag pumapasokna ang mga legal na kahulugan.
Tandaan: anuman ang kahulugan o pagkakaiba,pareho itong nagdudulot ng seryosong pinsala — at iyan ang pangunahing mensahe.
Kapag naunawaan natin kung ano ang sexual assault at sexual harassment, mas handa tayong matukoykung kailan ito nangyayari at mahihikayat na kumilos upang ito’y maiwasan.
Ano ang sexual assault at sexual harrasment?
Ang sexualassaultay kapag ang isang tao ay pisikal o pandamdaming pinipuwersa, hinihimok, onililinlang na gumawa ng kahit anong sekswal na gawain na labag sa kaniyangkagustuhan o walang pahintulot niya.
Kapag naririnig natin ang mga salitang sexual assault, kadalasan naiisip agad natin ang mararahas nagawain tulad ng panggagahasa. Isa ito sa mga kahulugan ng sexual assault, pero kabilang din dito ang mga sumusunod:
- Ang partner na pinipilit ka na gawin ang mga bagay sa kama na hindi ka komportableng gawin o hindi ka pa handa, at sa huli ay napapayag ka dahil natatakot ka o parang napipilitan ka.
- Ang pagpwersa sa isang tao na makipagtalik nang walang condom kahit sinabi niya na gusto niya itong gamitin.
- Ang paggawa ng sekswal na bagay sa isang tao na halos tulog na, nakatulog na, o wala nang malay o langung-lango para makapagbigay ng pahintulot.
Angsexualharrassmentay anumang hindi ginustong sekswal na pag-uugali na nagpaparamdam sa isang taona maging di-komportable, natatakot, nababahala, o hindi iginagalang. Isang sexual harassment pa rin ito kahit hindi mo intensyon na iparamdamsa kaniya ang ganoon — ang epekto ang mahalaga.
Maaaring ito ay hindi ginugustong paghawak nawalang pahintulot — halimbawa, may taong dumampi ang kamay sa hita mo na parabang sinasadya. O kaya naman ay isang kilos na sadyang nakakatakot, tulad ngestranghero sa hintuan ng bus na matagal na nakatitig sa iyo nang hindimaganda.
Hindi lang pisikal at harapang mga kilos angsaklaw ng sexual harassment. Kasama rin dito angmga ganito:
- Isang tao sa isang bar na nagkokomento nang mahalay tungkol sa gusto niyang gawin sa iyo
- Isang kaibigan na nagpapatawa gamit ang sekswal at nakapanliliit (objectifying) na biro tungkol sa katawan ng iba
· Pagpapadala ng hubad nalarawan ng iba nang walang pahintulot, o biglaang pagpapakita ng pornograpiya saisang tao
Ang technology-facilitatedabuse ay kapag ginagamit ng isang tao ang teknolohiya para saktanang iba, na maaaring sekswal at maituturing na sekswal na karahasan. SaAustralya, ilegal ang pag-abuso gamit ang mga larawan at sa online. Maaaringganito ang itsura ng ganitong pananamantala:
- Pagpapadala ng lantarang sekswal na mensahe o larawan nang walang pahintulot
- Pamimilit sa isang tao na magpadala ng hubad na larawan
- Pagbabahagi ng hubad na larawan ng iba nang walang pahintulot nito
- Pagkomento gamit ang mga sekswal na biro o pagbabanta sa post ng isang tao
Ano ang mga legal na aspeto nito?
Ang sexualharassment at sexual assault ay itinuturing ng batas bilang dalawang magkaibang uri ngkrimen, na may iba't ibang kaparusahan depende sa tindi ng sitwasyon at saestado o teritoryo kung saan ito naganap.
Mahalagang maintindihan ang mga batas tungkolsa sexual harassment at sexualassault,pero kung titingnan lang natin ito base sa kung ano ang legal at hindi,maaaring hindi natin makita ang mas malawak na konteksto.
Ang sexualharassment at sexual assault ay maaaring magdulot ng seryosong pinsala sa damdamin,isipan, at panlipunang aspeto ng buhay ng isang tao na lagpas pa sa usapingkorte. Mahalaga na isipin natin kung paano naaapektuhan ng ating mga kilos angiba — hindi lang para makaiwas sa parusa, kundi dahil mahalaga sa atin natratuhin ang bawat tao nang may respeto at panatilihing ligtas ang lahat. Bukoddito, nais din nating magkaroon ng masaya at kasiya-siyang karanasang sekswalna hindi nakakasakit o nakakapinsala sa iba!
Minsan, iniisip ng mga tao na dahil may iba'tibang kategorya ang batas para sa sexualharassment at sexual assault, ibig sabihin ay hindi mas seryoso ang isa kaysa sa isa.Halimbawa:
“Pumipito (catcalling) langnaman sila — hindi ka naman nila hinipuan.”
Ngunit maling-mali ang ganitong pag-iisip. Angpaghahambing ng mga pinsala ay maaaring magparamdam sa isang tao na parang hindimahalaga ang nangyari sa kaniya.
Hindi rin nito kinikilala kung paanounti-unting nawawasak ng isang komento, biro, o titig ang kumpiyansa ng isangtao, nakakaapekto sa kaniyang emosyonal na kalagayan, o nakakaapekto sa kaniyangpakiramdam na ligtas sa trabaho, paaralan, o komunidad.
Maaaring maging mahirap kapag ang isang taongmalapit sa iyo ay nagsabi na siya ay niligalig o inabuso. Normal lamang ang hindiagad malaman kung ano ang sasabihin o gagawin. Ang pakikinig sa kaniya nangwalang paghuhusga, paniniwala sa kaniyang kuwento, at pagtatanong kung paano kamakakatulong sa paraang komportable para sa kaniya ay isang magandang simula.Maaari kang magbasa pa kung paano suportahan ang mga biktima ng pang-aabusodito.
Ang makaranas ng sexual abuse ay kadalasangnag-iiwan sa biktima ng pakiramdam na nawalan siya ng kapangyarihan, kayamahalagang maibalik niya ang kontrol sa pamamagitan ng sariling mga desisyon.Maaari mong banggitin ang mga mapagkukunan ng suporta gaya ng mga matatawaganng tulong (helpline) at serbisyo ng pagpapayo, pero hayaan mo na siya angmagpasya kung isusumbong ito at kung kailan. Ang pagsasabi na nariyan ka anumanang piliin niyang gawin, at ang paggalang sa kaniyang mga desisyon, ay isangsiguradong paraan ng pagtulong.
Kapag nauunawaan natin ang lahat ng anyo ng sexual harassment at sexual assault, mas nagiging handatayong kumilos, tumulong sa isang kaibigan, at malaman kung tayo mismo ay makaranasnito.
Bawat anyo ng sexualharassment at sexual assault ay nakadaragdag sa isang kulturang kinukunsinti ang sekswalna karahasan. Higit pa ito sa mga legal na kahulugan. Ito ay tungkol sapagtindig para sa karapatan ng bawat isa na makaramdam ng kaligtasan at respetosa kanilang buhay.
Mahalaga sa amin ang iyong kalagayan at kapakanan. Dahil hindi kami makapagbigay ng pormal o tuluy-tuloy na suporta, maaaring nais mong humingi ng propesyonal na tulong sa teachusconsent.com/support.Kung dama mo na ikaw ay hindi ligtas sa ngayon, tumawag sa 000.

Help us get these evidence-based, youth-led resources into high schools around Australia.
Kung mayroong problema sa alinman sa mga isinaling materyal na iyong ginamit ngayon, mangyaring magpadala ng iyong puna sa amin sa hello@teachusconsent.com