Artikulo 1: Paghingi ng pahintulot – mga batayang kaalaman

Read in...
Maaaring narinig mo naang linyang ito: “Simple lang ang paghinging pahintulot.”
Sa palagay namin, hindimasyadong nakakatulong ang ganyang pahayag. Hindi simple ang mga tao, atmasalimuot ang mga relasyon. Iba-iba rin ang anyo ng pakikipagtalik sa bawatpagkakataon.
Hindi naman ibigsabihin nito na mahirap ang paghinging pahintulot — pero isa itong proseso. Maaari itong maging masalimuot at punong pagkatuto, at doon nagmumula ang tunay na kahalagahan nito.
Maging ito man ay isangkaswal na ugnayan, nasa relasyon, o angunang karanasan sa pagiging malapit sa isang tao, mahalaga ang pag-unawa sa salitangpaghingi ng pahintulot. Hindi lang ito tungkol sa pag-iwas sa masama,kundi dahil ang pahintulot ay susi sa tunay na koneksyon, kapanatagan, atkasiyahan.
Maaaring magkakaiba angparaan ng pagpapahayag at paghingi ng pahintulot depende sa tao. Pero may mgapangunahing prinsipyo na dapat sundin ng lahat. Narito ang limang mahahalagangbatayan
1. Malinaw na pagpahintulot at Ipinahayag
Ang pagbibigay ng pahintulot ay isang malinaw at makumpiyansang“oo” — hindi lang basta “hindi naman siya nagsabi ng hindi.” Maaaring ipahayagang pahintulot sa pamamagitan ng salita, gaya ng “Pwede ba kitang halikan saibaba?” at “ang sarap ng pakiramdam nito” o kaya naman ay hindi pasalita, tuladng paglapit nang kusa o pagtitig sa mata nang matagal.
Hindi sapat na ipalagay na gusto na rin ng isangtao dahil hindi siya tumatanggi, hindi umaatras, o hindi nagsasabi ng “hindi.”Responsibilidad nating lahat na gumawa ng paraan o kaya magtanong para tiyakin kungmay pahintulot. Narito ang ilang mungkahi kung hindi ka sigurado kung gusto ba ngkasama mo ang nangyayari…
- Tanungin siya! “Gusto mo pa bang ituloy?” “Okay ka lang ba?” o “Parang nag-aatubili ka — gusto mo bang huminto na?”
- Pansinin ang kilos ng katawan. Kung siya ay umiiwas, hindi makatingin, o nagsasara ng katawan, senyales ito na ayaw niya. Tanungin siya.
- Magbigay ng mga pagkakataon para umatras, gaya halimbawa: “Pwede tayong huminto o bagalan ito anumang oras,” o “Pwede rin tayong mag-relaks lang.” Kung nasa isang silid kayong dalawa, huwag ikandado ang pinto nang hindi humihingi muna ng pahintulot.
Hindi nakakasira ng mood ang mga ganitong sandali —sa halip, ito’y nakakatulong sa pagbuo ng tiwala at mas nagpapainit ng ugnayan.
“Ibig kong sabihin, ano pa bang mas sexy kaysa saisang partner na nagmamalasakit?” Meissa Mason, Podcast #2.
2. Malaya at Kusang-Loob
Pamimilit ≠ Pagbigay ng pahintulot.
Kung ito man ay emosyonal na pamimilit, paulit-ulitna pagtatanong, o paggamit ng alak o droga para gawing ‘mas madaling makuha’ang isang tao; wala sa mga iyan ang maituturing na tunay at kusang-loob na pagbibigayng pahintulot.
Kung magtanong ka atang sagot niya ay “hindi” o kahit “hindi ako sigurado,” tapos uulitin mo pa angtanong at gagamit ng paninisi,pamimilit, o panlilinlang para mapilit siyang sumang-ayon, ang tawag doon aysexual coercion o pamimilit sa pakikipagtalik. Ang pamimilit ay maaaring ganitoang tunog
- “Kung mahal mo talaga ako, gagawin mo ito.”
- “Kapag hindi mo ito ginawa, sobrang mahihirapan ang katawan ko at hindi ako makakatulog.”
- “Ginawa na natin halos lahat, maliit na bagay na lang ito.”
- “Nahihiya ka lang. Uminom muna tayo, mag-iiba rin ang pakiramdam mo.”
- “Kapag hindi mo ito ginawa, ipapadala ko sa lahat ng tao ’yung hubad na litrato na ipinadala mo sa akin noong isang linggo.”
Ang pamimilit ay hindi paghinging pahintulot, at itinuturing din itong sekswal na pang-aabuso o sexual assault.
Kailangan din natingmag-ingat sa mga hindi pantay na kapangyarihan sa isang ugnayan (powerimbalance). Halimbawa, kung mas matanda ang isa, o nasa posisyon ng awtoridadtulad ng amo, guro, o coach, maaaring magkaroon ng hindi pantay nakapangyarihan na nagpapahirap sa isa na malayang makapagsabi ng “hindi.”
Kapag may nagsabi saiyo ng “hindi”, igalang mo ito. Walang paninisi. Walang pamimilit.
3. Patuloy at Sinang-ayunan ninyong dalawa
Ang pahintulot ay hindiisang beses lang ibinibigay o parang kontratang hindi na mababago. Hindi itosimpleng “may nakuha ka nang pahintulot” minsan para sa isang bagay, kayapuwede mo nang gawin ang lahat.
Kung nag-oo man angisang tao kagabi, hindi ibig sabihin ay gusto rin nila ito kinabukasan.Maaaring magbago ang isip ng kahit sino, anumang oras, at responsibilidad mongigalang at bigyang-halaga ang pagbabagong iyon.
Mahalaga rin ang paghinging pahintulot kahit sa matagal nang relasyon. Isa sa bawat tatlong kaso ngsekswal na pang-aabuso ay nangyayari sa magka-relasyon. Hindi mo “obligasyon”sa partner mo ang pakikipagtalik, at hindi rin nila ito “obligasyon” sa iyo.Ang pag-aakala ay maaaring magpalabo ng mga hangganan (bounderies), kaya angpinakamagagandang relasyon ay nakasalalay sa pagkakasundo at patuloy nakomunikasyon.
Bigyang-pansin angkilos ng katawan ng isang tao at regular na magtanong, lalo na kung nagigingmas madalas ang kilos
- “Ayos ka lang ba?”
- “Gusto mo pa bang magpatuloy o magpahinga muna
- “Gusto mo bang sabihin kung ano ang gusto mo?”
At kung magbago man ang isip ng isang tao habang nasa gitnana ng pagtatalik? Pasalamatan sila sa pagiging tapat at malinaw sa nararamdamannila. Huwag itong gawing personal na parang pagtanggi sa iyo — maaaring pagodlang sila, nawalan ng gana, o gusto lang niyang magdahan-dahan sa mga bagay.
4. Sumasalamin sa kakayahan
Makakapagbigay lang ngpahintulot ang isang tao kung lubos niyang nauunawaan kung ano ang kaniyangpinapahintulutan. Ibig sabihin, kung lasing na lasing ang isang tao, natutulog,o wala sa hustong kamalayan — hindi siya makakapagbigay ng pahintulot.
Walang tiyak na bilangng inumin na nagsasabing “hindi na puwedeng magbigay ng pahintulot ang isangtao,” pero kung ang isang tao ay bulol na sa kalasingan, natitisod-tisod, otila wala sa sarili, hindi siya nasa tamang kalagayan para gumawa ng may-kamalayangdesisyon. At kahit pa sinabi na niya ang “oo” dati, hindi ito nangangahulugangpuwede mo na siyang galawin habang siya ay natutulog o hindi pa lubos na gising.
Isa pang kahulugan ng kakayahan ay angpagiging nasa legal na edad nang magbigay ng pahintulot. Sa Australya, ang edadng pagbibigay ng pahintulot ay:
- 16 na taong gulang sa WA, NSW, VIC, QLD, at NT
- 17 na taong gulang sa South Australia at Tasmania
At huwag din basta-bastamagpalagay na ang mga taong may kapansanan ay hindi kayang magbigay ngpahintulot — ang mahalaga ay suportahan siyang magpahayag ng kaniyangkagustuhan nang malinaw at may respeto. Ang layunin ay ang pagpapahayag ng kagustuhanna malinaw sa isa’t isa sa anumangsitwasyon.
5. Partikular at may-kaalaman
Ang pagsasabi ng “oo”sa isang bagay ay hindi awtomatikong “oo” na para sa lahat ng bagay.
Dapat partikular angpahintulot — halimbawa, kung ang isang tao ay bukas sa paglalambingan habangmay suot na damit, hindi ibig sabihin ay pumapayag din siya na mahubaran at samga kasunod pa.
Ang pagsang-ayon sapakikipagtalik gamit ang condom ay hindi nangangahulugang okey lang sa kaniyaang walang condom. At kung pumayag siya sa isang gawain, hindi ibig sabihin ayayos lang sa kaniya ang ibang gawain na hindi napag-usapan, gaya halimbawa ngpananakal o choking habang nagtatalik (sexual strangulation).
Lahat ng kasali ay maykarapatang malaman kung ano ang nangyayari at makapagdesisyon nang buo angkaalaman tungkol sa kanilang katawan.
Narito ang ilang paraanpara maging partikular
- “Pumapayag lang ako kung may proteksyon.”
- “Hindi pa ako handa sa X, pero gusto kong gawin ang Y.”
Angpaghingi ng pahintulot ay tungkol din sa katapatan — ang stealthing (ang palihim napagtanggal ng condom nang walang pahintulot) ay hindi lang mapanlinlang, kundiitinuturing din na isang anyo ng sekswal na pang-aabuso sa maraming estado atteritoryo.
Itoang mga dapat mong tandaan:
- Ang pagbibigay ng pahintulot ay dapat kusang-loob at taos-puso — hindi bunga ng pamimilit.
- Hindi lang ito tungkol sa pag-iwas sa pananakit, kundi sa pagbuo ng mas maganda, mas ligtas, at mas kasiya-siyang karanasan sa pagtatalik at ugnayan.
- Okay lang kung parang nakakailang sa simula ang magtanong. Mahirap naman talagang humiling ng kahit ano sa ibang tao! Pero mahalaga pa rin ito ng gawin.
- Hindi ka “weird” o “nakakahiya” kapag ikaw ay nagtatanong. Ipinapakita mo lang na ikaw ay may kumpiyansa, kilala ang sarili, at may malasakit sa kapwa!

Help us get these evidence-based, youth-led resources into high schools around Australia.
Kung mayroong problema sa alinman sa mga isinaling materyal na iyong ginamit ngayon, mangyaring magpadala ng iyong puna sa amin sa hello@teachusconsent.com